PAOLO, NO COMMENT DAW SA HIWALAYAN NILA NI YEN
- Lucille Galon
- May 15, 2024
- 1 min read
ni Lucille Galon - Trainee @Entertainment | May 15, 2024

SINAGOT na ng Kapuso actor at Bubble Gang comedian na si Paolo ang isyung hiwalay na sila ni Yen Santos sa interview ni Aubrey Carampel ng 24 Oras.
“Isang magandang no comment," sey ni Paolo.
Lumabas kasi ang issue na ito nang burahin ni Yen ang birthday greetings niya para kay Paolo sa Instagram.
"I always say masyado na kayong may alam sa buhay ko, so I'd like to keep it personal, my personal life," paliwanag ng aktor.
Pagpapatuloy ni Paolo, “Dati pina-follow kita, dati fina-follow ko si Gorgy, in-unfollow ko rin kayong lahat. Ibig sabihin ba naghihiwalay tayo lahat?”
Well, makikitang naka-follow pa rin ang Instagram account ng aktor kay Yen at may litrato pa rin sila sa kaniyang account.
Teka, kaya ba tahimik si Paolo sa hiwalayan nila ni Yen ay dahil may bago na naman siyang kasama sa Baguio “as a friend”? Char!
Comments