Pamangkin, tinodas ng tiyuhin
@Balitang Probinsiya | August 10, 2023
ILOILO -- Isang 26-anyos na binata ang namatay nang saksakin ng kanyang tiyuhin kamakalawa sa Bgy. Jelicuon Montinola, Cabatuan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa katawan na si Cerasty Pancrudo, samantalang hindi muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi ito nadadakip ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo ang magtiyuhin kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Agad dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang salarin.



Comments