top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Palad ng binatang iniwanan ng GF dahil sa bisyo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 26, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| October 26, 2020




KATANUNGAN

  1. May girlfriend ako, kaso magtu-two weeks na nang naghiwalay kami dahil nahuli niya akong naninigarilyo. Tapos noong nahuli niya ako, humingi ako ng sorry pero hindi niya na ako kinibo hanggang sa ihatid ko na siya. Tapos pumunta ako sa bahay nila para dalawin siya na regular ko namang ginagawa, pero hindi siya nagpakita at sabi ng kapatid niya, umalis daw siya. Kinokontak ko siya pero hindi siya sumasagot at minsan, patay ang cellphone niya. Naka-block na rin ako sa FB account niya.

  2. Maestro, ano ang dapat kong gawin, mahal na mahal ko siya at ayaw kong tuluyan na kaming maghiwalay. Kung ako lang ang masusunod, siya na ang gusto kong makatuluyan at sa ngayon, unti-unti na kaming nag-iipon. Sa palagay n’yo, magkakabati pa ba kami o tuluyan na kaming maghihiwalay?

KASAGUTAN

  1. Dahil medyo maliit na dahilan pala ang pinag-awayan n’yo, partikular ang iyong paninigarilyo, masasabing ang nangyayari sa kasalukuyan ay matatawag na isang “lover’s quarrel” lamang.

  2. Ibig sabihin, kumbaga sa naglalambingang mga ibon sa puno ng mangga, ang nakatakdang mangyari ay mapapansin mo ‘yung dalawang ibon ay nagtutukaan, habang tumatakbo at palipat-lipat naman sa sanga ang isang ibon at habol naman nang habol ‘yung isa. Kunwari lang na umiiwas ‘yung isang ibon, pero ang totoo ay nagpapatuka at nagpapaabot talaga siya sa humahabol sa kanya. Ganundin ang siguradong magyayari sa kasalukuyan n’yong relasyon, tiyak na magkakabati rin kayong dalawa upang muling magtukaan at maging maligaya.

  3. Kung tutuusing mabuti, kunwaring galit lang ang nararamdaman sa iyo ng iyong girlfriend, pero deep inside ay mahal ka niya. Ang totoo pa nga nito, kung siya lang din ang masusunod, ikaw ang gusto na niyang mapangasawa at ang isang matibay na ebidensya o patunay sa palagay nating ito ay ‘yun nga, ang mahigpit ka niyang pinagbabawalang manigarilyo na ibig sabihin ay may concern siya sa health mo at maitatanong mo kung bakit siya may concern sa iyong kalusugan?

  4. Simple lang ang sagot at ito ay dahil mahal ka niya, ayaw ka niyang magkasakit o maagang mawala. Ibig sabihin nu’n ay maghihiwalay kayo ng panghabambuhay at ayaw niyang mawala ka sa kanya agad dahil mahal ka niya at malamang na ikaw na rin ang napupusuan niyang mapangasawa at makasama sa pagtatayo ng pamilya.

  5. Kaya ayon sa kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, matapos mong basahin ang kasagutang ito, kung wala ka namang ginagawa, pasyalan mo na ulit ang girlfriend mo sa kanilang bahay at makikita mo na sa sandaling lumipas na ang pagkainis niya sa iyo at humingi ka na ulit sa kanya ng sorry, buong puso at pagmamahal ka na niyang tatanggapin at patatawarin.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Jetro, anuman ang mangyari, tumigil ka man o hindi sa nakasanayan mong bisyo, ang kaisa-isang malinaw at makapal na Marriage Line (1-M arrow a.) pa rin ang mananaig. Kaya sa malapit na hinaharap, ngayong Oktubre pinakamatagal sa Nobyembre, magkakabati rin kayo ng girlfriend mo hanggang sa bandang huli ay kayo na rin ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama sa pagbuo ng simple pero maligayang pamilya habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page