Palaboy, dedbol sa lunod
@Balitang Probinsiya | June 15, 2022
QUEZON–Patay ang palaboy nang malunod kamakalawa habang tumatawid sa ilog na sakop ng Bgy. Umiray, General Nakar.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima dahil ayon sa mga residente ay hindi naman nakatira sa kanilang barangay ang naturang palaboy.
Ayon sa ulat, huli umanong nakitang buhay ang biktima habang tumatawid sa ilog hanggang tangayin ito ng rumaragasang tubig.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero hindi agad nakita ang biktima na lumubog sa ilog.
Nabatid na matapos ang ilang minuto ay patay na nang lumutang sa ilog ang biktima.



Comments