Painting sa resort ninakaw
@Balitang Probinsiya | April 26, 2022
ALBAY – Isang painting ang ninakaw ng hindi pa nakikilalang magnanakaw kamakalawa sa loob ng isang resort sa bayan ng Sto. Domingo sa lalawigang ito.
Kinilala ang may-ari ng resort na si Joshua Martires, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang bayan.
Ayon kay Martires, ilang empleyado ng kanilang resort ang nakakitang nawawala na ang painting sa kinalalagyan nito.
May hinala ang mga imbestigador na kostumer ng resort ang nagnakaw sa painting na ang halaga ay hindi na binanggit ng mga awtoridad.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala at madakip ang nagnakaw ng painting.



Comments