top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Pahinante sinaksak ng kelot

BULGAR
Oct 4, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 4, 2022


AKLAN—Sugatan ang isang pahinante nang saksakin ng hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Tabayon, Banga.


Ang biktimang nagtamo ng tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Ronnie Gallego, 48-anyos, tubong Bacolod City.


Ayon sa ulat, ipinarada ng driver ang trak at inayang magkape si Gallego bago sila bumiyahe patungong Iloilo, pero habang nagkakape sa karinderya ay napunta ng biktima ang suspek na umaaligid sa kanilang sasakyan.


Nabatid na nilapitan ni Gallego ang suspek at sinita, pero biglang inundayan ng saksak ang biktima at saka tumakas.


Ginagamot na sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page