top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Pahinante natagpuang patay

BULGAR
Apr 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 25, 2022


ALBAY – Isang 47-anyos na pahinante ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng isang trak sa Bgy. 1, Bacacay sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya ay hindi na pinangalanan ang biktima.


Nabatid na ilang kasamahan sa trabaho ng biktima ang nakatagpo sa bangkay nito sa passenger seat ng nasabing trak.


Agad ipinagbigay-alam ng mga kasamahan sa trabaho ng biktima sa pulisya ang pagkakatagpo nila sa bangkay ng pahinante.


Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay posible umanong atake sa puso ang ikinamatay ng biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page