Pagpasok ng mga dayuhan sa bansa, ‘di sana sablay
- BULGAR

- Jul 18, 2020
- 1 min read
@Editorial | July 18, 2020
Simula sa unang araw ng Agosto, papayagan na ng gobyerno ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhan.
Hindi umano ordinaryong dayuhan ang papayagang pumasok kundi sila lamang may matagal ng visa para pumunta rito o manatili sa Pilipinas at itinuturing na ang kanilang tahanan ay narito na sa bansa dahil sila ay mga permanent residents.
Kasabay nito ang pagpapatupad ng mga kondisyon — may valid at existing visas sa pagdating nila sa Pilipinas, paiiralin ang maximum capacity ng inbound passengers sa mga airport at dapat ay mayroong pre-booked accredited quarantine facility at pre-booked COVID-19 testing provider.
Dadaan din umano sa proseso ang lahat ng dayuhang papasok para makasiguro na wala silang dalang COVID-19.
Bagay na pinangangambahan ng taumbayan nang malamang papayagan na ang pagpasok ng mga dayuhan sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sapat nga ba ang kakayahan ng mga awtoridad para matiyak na walang makakalusot na virus? Ang dagdag na populasyon ay hindi kaya makadagdag din sa mga intindihin ngayon ng gobyerno? Halos punuan na ang mga ospital, nagkukulang na rin ang mga healthcare workers, imbes na bumaba ang kaso ay lalong tumataas.
Kaya ang tanong, kaya pa ba?



Comments