top of page

Pagkain ng mga hayop sa Manila Zoo, makukuha sa sarili nitong urban garden

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 10, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 10, 2020


ree


Para manatiling busog ang mga alagang hayop sa Manila Zoo sa Malate, Manila, nakaisip ng solusyon ang tagapamahala nito na magkaroon ng self-sustainable way para mapakain ang mga hayop sa panahon ng pandemiya.


Ayon sa management ng zoo, ang dating 200-square-meter horseback riding ay gagawin ng urban garden. Ito ay gagawing pagkain ng mga hayop kasama na rin ang mga personnel.


Sabi ni Manila Zoo officer-in-charge Alipio “Pio” Morabe, Jr., galing sa Plant industry ng Department of Agriculture ang mga buto na itinanim dito. Sinimulan nila ang pagtatanim noong buwan ng Abril at ngayon, nakapagpatubo na sila at may mga bunga na. Ito ay maaari ng ipakain sa mga herbivores tulad ng ibon, kalabaw, water buffalo, rabbit, zebra at elepante.


Ilan sa mga itinanim sa Manila Zoo ay ang ampalaya, okra, talong, alugbati, mustasa, patola, upo at kalabasa. Bukod pa rito, ginamit ding fertilizer ang dumi ng nag-iisang elepante na si Mali na 40 years ng naninirahan dito. Sa katunayan ay nakapagpatubo siya ng pakwan at melon.


Kaya naman lubos itong sinusuportahan ni Manila Mayor Isko Moreno pati na rin ang renovation ng zoo. Kasama sa renovation ang paglalagay ng glass bilang divider sa mga visitor at mga hayop para sa kaligtasan ng lahat.


Sa muling pagbubukas nito sa taong 2021, masmaluwag na ang pasilidad para sa mga hayop at mas marami ng makakain ang mga ito sa tulong ng kanilang sariling garden.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page