Search
  • BULGAR

Pacman, nagpasilip ng bilis at lakas sa punching bag

ni ATD - @Sports | June 29, 2020




Nasilip ng mga fans ni eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang bilis at lakas kahit mahigit 40-anyos na ito.


Sa post ng video ni fighting senator sa kanyang twitter account, nage-ensayo ito at nakita roon ang walang humpay na training sa kanyang tahanan kahit na may COVID-19 pa sa bansa.


Rapido sa bilis ang kamay at lakas ng suntok ang nasilayan sa video kung saan ay parang pinahihiwatig ni Pacquaio na kaya pa nitong magpatulog ng boksingero.


Maraming naghahangad na makaharap si Pacquiao pero sa ngayon ay di pa tiyak kung sino ang sunod niyang makakaupakan.


Mga nangangarap na lumaban sa Pinoy boxing legend ay sina four-division champion Mikey Garcia, IBF world welterweight champ Errol Spence Jr. at WBO Welterweight World Champ Terence Crawford.


Samantala, nais naman ng rematch ni Keith Thurman at ang matagal nang nilulutong `MayPac3’ o muling pakikipagbugbugan kay undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.