top of page

Pacman, muntik nang sumabak noong 2016 Rio Olympics

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 3, 2020
  • 3 min read

ni Gerard Arce - @Sports | July 3, 2020




Kung saka-sakali, maaaring nasaksihan ng bansa ang pagsabak ni Eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquaio sa kakaibang laban sa larangan ng boxing – ang pagkakataong dalhin ang bandila ng Pilipinas sa Olympics – sa pagsabak sa amateur ranks.


At kung saka-sakali rin ay may malaking tsansang makamtan ng Pilipinas ang mailap na gintong medalya ng bansa sa Summer Games, ngunit isa na lamang itong panaginip.

Inihayag ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Ed Picson na kamuntikan nang mapasabak ang Pambansang Kamao sa isang amateur boxing fight para sa 2016 Rio Olympics; subalit hindi inadya ng pagkakataon ang pangyayaring iyon dahil sumabay ang isang malaking responsibilidad sa mga panahong iyon – nang manalong Senador ng Pilipinas.


Dr. Wu [Ching-Kuo] ask ABAP to extend Manny the invitation and we did, and Senator Manny is seriously considered it [fighting for the country in Rio Olympics] ang problema lang eh nung 2016 he won as senator, ang Olympics which is nearly scheduled on that and coincided with the recession of the senate,” pagbubunyag ni Picson sa lingguhang PSA Forum online session nitong Martes. “Sabi niya unang session ng senado aabsent ako, baka mayari na naman ako, he had to beg off,” dagdag ni Picson hinggil sa sinabi ng Fighting Senator patungkol sa kanya matapos ang kritisismong ibinabato sa kanya nung panahon na nagsisilbi pa ito sa House of Representatives bilang congressman ng Sarangani.


Noong Hunyo 2016, napagbotohan ng International Boxing Association (AIBA) na payagan ang mga professional boxers na lumahok sa Olympics. Ito umano ang naging paraan ng AIBA; at sa pagsang-ayon ng International Olympic Organization (IOC), hinikayat nitong maglagay ng pinakamahuhusay na atleta sa larangan ng boxing, kung saan ilan sa mga pinupuntirya ay sina Pacquiao para sa Pilipinas at pagpapabalik kay heavyweight champion 1996 Atlanta Games gold medal winner Wladimir Klitschko ng Ukraine.


Ikinibit-balikat na lamang ni Picson na hindi na sila umabot sa sitwasyong papipiliin na ng weight division ang 41-anyos na kampeon ng World Boxing Association (WBA) welterweight title dahil napagdesisyunan ng hindi ito maaaring lumaban pa. Ngunit, kung sakaling matuloy ito ay maaaring sumabak ito sa 152-lbs (69kgs) division o welterweight class, na pagmamay-ari ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial.


Actually, on hindsight, kung lalaban siya, dun siya sa kategorya ni Eumir. I dont know if he want to be on the category of welterweight, pero at that time naroon siya sa timbang na iyon eh, si Eumir 69kgs at that time,” saad ni Picson. “Kaya sinasabi ko nga pwedeng i-spar kay Eumir ito kung saka-saling gusto niyang lumaban.”


Sa mga panahong iyon ay hawak rin ni Pacquiao ang titulo ng World Boxing Organization (WBO) International 147-lbs title na napanalunan niya kay Timothy Bradley noong April 9, 2016 at kinalauna’y napagwagian ang lehitimong WBO 147-lbs belt kay Jessie Vargas noong Nobyembre 6, 2016.


Tatlong professional boxers ang sumubok na sumabak sa Rio Games na kinabibilangan nina Hassan N’Dam N’Jikam ng Cameroon sa Light-Heavyweight; lightweight Carmine Tommasone ng Italy; at Amnat Ruenroeng ng Thailand sa 132-lbs (60kgs) division – lahat ng mga ito ay pawang natalo sa quadrennial meet.


Ginanap ang quadrennial meet sa Rio de Janeiro, Brazil noong Agosto 5-21, 2016, kung saan kinatawan ang Pilipinas ng 13-atleta sa katauhan nina Kirstie Alora ng Taekwondo, Ian Lariba ng Table Tennis, Jessie Lacuna at Jasmine Alkhaldi ng Swimming, Kodo Nakano ng Judo, Miguel Tabuena ng Golf; Eric Shauwn Cray; Marestella Torres at Mary Joy Tabal ng Athletics; boxers na sina Rogen Ladon at Charly Suarez; at weightlifters na sina Nestor Colonia at women’s under-53kgs category silver medalist winner Hidilyn Diaz.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page