Pabrika, tinupok ng apoy
@Balitang Probinsiya | June 15, 2022
BATAAN–Isang pabrika ang tinupok ng apoy kamakalawa sa loob ng freeport area ng Mariveles.
Ang nasunog ay ang DLX factory sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, biglang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng establisimyento at mabilis na kumalat ang apoy kaya nasunog ang buong pabrika.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa ngayon ay inaalam pa ng mga arson investigator ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsala ng apoy sa nasabing pabrika.



Comments