top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

P30-K halaga ng shabu, nakumpiska

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | February 15, 2022

SORSOGON–Isang notoryus na drug pusher ang nakumpiskahan ng higit P30,000 halaga ng shabu kamakalawa sa Bgy. Pawa, Matnog.


Ang suspek ay nakilalang si Jorge Geralde, 51-anyos, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng shabu ni Geralde ay dito na dinakip ang suspek.


Kusa namang sumama ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba sa nasabing barangay.


Nabatid na sinampahan na ng pulisya si Geralde ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page