P3-M pinsala sa nasunog na gusali
- BULGAR

- Oct 5, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | October 5, 2020
CEBU CITY—Tinatayang aabutin sa P3 milyon ang halaga ng napinsala sa nasunog na gusali kamakalawa sa Bgy. Kalubihan.
Ang nasunog ay commercial building na pag-aari ni Hanima Tasan sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, bigla umanong sumiklab ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali at mabilis kumalat ang apoy sa buong commercial building.
Nabatid na wala namang nadisgrasya sa naganap na sunog.
Inaalam na ng mga arson investigators ang sanhi ng sunog sa gusali.



Comments