top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P16.4B budget para sa mga barangay sa 2021

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2020
  • 2 min read

ni Twincle Esquierdo | September 10, 2020




May nakalaang P16.4 bilyon budget para sa kaunlaran ng mga baranggay sa ilalim ng proposed national budget for 2021 at hindi inilaan para sa pork barrel sa susunod na eleksiyon sa 2022, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Sa mga isinumiteng initial listing, hindi ito masasabing lump sum sapagkat ipinapasa raw umano ito sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte, naka-itemized at kailangang i-finalize upang maipasa sa Kongreso kapag nakumpleto na ang listahan.

"Mayroon na po tayong initial listing, ito po ay isinubmit sa Office of the President. Hindi po natin ito masasabing lump sum sapagkat naka-itemized naman po ito. Pina-finalize lang po namin, ito nga po ay isa-submit namin sa Congress once makumpleto na po ang listahan, specific projects po. Hindi po tayo papayag na i-lump sum ito, dapat po naka-define ang bawat projects," sabi ni Año.

Kinuwestiyon naman ni Kabataan party-list Representative Sarah Elago, ang tungkol sa multi-billion para sa mga lugar na “cleared” of the insurgency sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

"Lump sum at discretionary, hindi po ba pork barrel ito? At dahil nasa discretion ito ng Pangulo, ito ay dagdag na pork sa Office of the President? Dahil simula na sa 2021 ang national elections, hindi po ba ang dating ay parang election war chest na?" sabi ni Elago.

"Parang hinahawakan po natin sa leeg 'yung mga barangay para po sila ay magkaroon ng dagdag na pondo, sinasamantala po 'yung pandemya para sila ay sumunod na lamang kung ano ang iutos ng DILG sa kanila?" dagdag pa nito.

Binigyan-diin ni Año na hindi gagamitin ang pondo para sa advance political interests sa 2022 elections at hindi ito pork barrel.

"Lilinawin ko lamang po, unang-una po itong P16.4 billion na ito ay ‘di po mina-manage ng DILG, ito po ay nasa LGSF. Malayung-malayo sa koneksiyon ng eleksiyon sapagkat 822 barangays lang ito compared sa 42,000 barangays all over the country,” ani Año.

“Malayung-malayo po ito sa pork barrel sapagkat hindi ito discretionary, ito po ay specific po na nagmula doon sa barangay ang pangangailangan at ito po ay umakyat at na-identify din po 'yung mga barangay kung saan dadalhin," dagdag pa nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page