top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Opisyal ng NPA, tiklo sa hideout

BULGAR
Jul 27, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 27, 2022

AGUSAN DEL NORTE—Isang opisyal ng New People's Army (NPA) ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa kanyang hideout sa Baobaoan, Butuan City.


Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Bryan Siscon, alyas Ka Nash, opisyal ng NPA na nakabase sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Siscon sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong multiple attempted murder.


Sinabi ng mga operatiba na matagal na nilang pinaghahanap si Siscon at kamakalawa lang sila nagkaroon ng pagkakataon na dakpin ito sa kanyang hideout.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page