OFW na pusher timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | September 27, 2022
AKLAN—Isang dating Overseas Filipino Worker ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tabayon, Banga.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rey Nobleza, nasa hustong gulang at nakatira sa Bgy. Poblacion, Libacao sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, si Nobleza na dating OFW, ay nadakip sa isinagawang buy-bust operation sa naturang lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments