Nurse, sugatan sa sports car

Updated: Jan 9, 2021
@Balitang Probinsiya | January 5, 2021
NEGROS OCCIDENTAL—Isang nurse ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng sports car ang minamaneho niyang kotse kamakalawa sa Bgy. Salvacion, Murcia.
Kinilala ang biktima na si Mary Ann Pastro, residente ng Bgy. Caliban sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng sports car na minamaneho ni Eugene Albert Po kaya nabangga nito ang minamanehong kotse ni Pastro sa nasabing barangay.
Nabatid na dahil sa lakas ng pagkakabangga sa puno ay nagkaroon sugat sa sa ulo at katawan ang biktima at sa ngayon ay ginagamot na ito sa ospital.
Kusa namang sumuko sa pulisya si Po na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury and damage to property.



Comments