top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

NPA, sugatan sa engkuwentro

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 21, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 21, 2022


SORSOGON–Sugatan ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa Bgy. Tondol, Donsol.


Ang sugatang NPA ay dinala ng mga kasamahan niyang komunista sa pagtakas.


Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang tropa ng Philippine Army (PA) nang pagbabarilin sila ng mga NPA dahilan kaya gumanti ng putok ang mga awtoridad at dito tinamaan ng bala ang komunista.


Nang makitang sugatan ang kasamahan nilang NPA ay agad itong binuhat at saka tumakas ang mga komunista.


Nabatid na patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page