top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

NPA member, todas sa engkuwentro

BULGAR
Jul 30, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 30, 2022


BATANGAS—Patay ang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunista kamakalawa sa bulubunduking lugar ng Bgy. Coral ni Lopez, Calaca.


Sa ngayon ay inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na komunista na miyembro ng NPA na nag-o-operate sa naturang lalawigan.


Nabatid na nagpapatrulya umano ang Philippine Army (PA) nang pagbabarilin sila ng mga komunista.


Ayon sa ulat, nakaganti agad ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang miyembro ng NPA.


Sa kasalukuyan, patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga nakatakas na komunista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page