NPA member sumuko
@Balitang Probinsiya | April 28, 2022
MASBATE – Isang miyembro ng New People's Army (NPA) ang sumuko kamakalawa sa pamahalaan sa Bgy. Poblacion, Monreal sa lalawigang ito.
Para sa kanyang seguridad ay hindi na pinangalanan ang sumukong komunista.
Nabatid na isinuko rin ng NPA member sa mga awtoridad ang mga dala nilang baril at mga subersibong dokumento.
Ayon sa sumukong NPA, nais na niyang magbagong-buhay kaya nagpasya siyang sumuko sa gobyerno.
Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang sumukong NPA upang masigurong bukal sa kanyang kalooban ang pagbaballik-loob sa pamahalaan.



Comments