Notoryus na wanted tepok sa shootout
@Balitang Probinsiya | October 8, 2022
ZAMBOANGA SIBUGAY—Isang notoryus na most wanted ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Tupilac, RT Lim.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Rasol Canda, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.
Nabatid na akmang darakpin ng pulisya si Canda kaugnay sa mga kaso nitong murder at rape pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.
Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments