Notoryus na wanted arestado
@Balitang Probinsiya | September 24, 2022
CATANDUANES—Isang notoryus na most wanted ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa buy-bust operation sa Bgy. Constantino, Virac.
Kinilalang pulisya ang suspek na si Rommel Sanchez, 35-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, matagal nang pinaghahanap ng pulisya si Sanchez dahil sa pagkakasangkot nito sa illegal drugs, gunrunning, robbery at theft sa lalawigan.
Nabatid na ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu, at nang pagbentahan sila ng droga ni Sanchez ay dito na dinakip ang suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments