Notoryus na tulak, todas sa shootout
@Balitang Probinsiya | January 29, 2022
CAMARINES SUR–Patay ang notoryus na drug pusher nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. La Purisima, Pili.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Glen Gan, nasa hustong gulang at residente ng naturang bayan.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing barangay at nang akmang darakpin si Gan ay biglang pinagbabaril ng suspek ang mga operatiba.
Dahil dito, mabilis na gumanti ng putok ang mga operatiba kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang mga awtoridad ng baril, mga bala at sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.



Comments