Notoryus na tulak, timbog
@Balitang Probinsiya | July 10, 2022
CEBU—Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Babag, Lapu-Lapu City.
Kinilala ang suspek na Leonardo Mansueto, nasa hustong gulang at nakatira sa Cebu City.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation sa nabanggit na barangay at nang pagbentahan sila ni Mansueto ng droga ay dito na dinakip ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang kilo ng shabu at markadong pera pag-iingat ng suspek.
Hindi nanlaban ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments