Notoryus na tulak tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | May 30, 2022
NEGROS OCCIDENTAL – Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Punta Taytay, Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jesus Cordero, nasa hustong gulang at residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation sa nasabing barangay ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 17 pakete ng shabu, markadong pera at drug paraphernalia sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments