Notoryus na tulak, nasakote
@Balitang Probinsiya | January 13, 2022
SORSOGON–Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Culasi, Matnog.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Freddie Givero, 49-anyos, at residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Valencia.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments