Notoryus na tulak, nasakote

@Balitang Probinsiya | February 6, 2021
CAPIZ—Arestado ang isang notoryus na drug pusher sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Ilawod, Pontevedra.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Glen Cabrera, nakatira sa Bgy. San Juan sa nasabing bayan.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Cabrera ay agad inaresto ng pulisya ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 21 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments