Notoryus na tulak, arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | January 25, 2022
CAPIZ–Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion Ilaya, Panay.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Danni Bernaldez, 22-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa naturang barangay.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments