Notoryus na tulak arestado
@Balitang Probinsiya | April 23, 2022
BATANGAS – Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cuta Central, Batangas City sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Jessie Gumban, 26-anyos, at residente sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation sa nasabing barangay ang mga awtoridad kaya nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 13.5 gramo ng shabu, markadong pera at drug paraphernalia sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments