Notoryus na rapist nasakote
@Balitang Probinsiya | Enero 23, 2023
CAVITE -- Isang notoryus na rapist ang naaresto ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Sto. Niño 2, Dasmariñas City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Oliver Garcia, 38-anyos at pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 21-counts ng kasong rape.
Ayon sa ulat, may nagbigay impormasyon sa pinagtataguan ng rapist kaya agad rumesponde ang pulisya at dinakip ang suspek sa nasabing lugar.
Kusang sumama naman sa mga awtoridad ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments