Notoryus na pusher, todas sa shootout

@Balitang Probinsiya | January 26, 2021
CAMARINES SUR—Isang notoryus na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Macais Uno, Del Gallego.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Wilson Caindoy, residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Caindoy sa buy-bust operation, pero biglang nanlaban at pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Mabilis na nakaganti ng putok ang mga operatiba dahilan kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang pulisya ng baril, mga bala at apat na sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.



Comments