Notoryus na pusher timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | October 13, 2022
CEBU—Isang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Dumlog, Talisay City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Raymund Camacho, 33-anyos at nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu si Camacho sa nasabing barangay, kaya agad nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya at dito nadakip ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 110 gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments