Notoryus na pusher nasakote
@Balitang Probinsiya | October 3, 2022
QUEZON—Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Kanlurang Mayao, Lucena City.
Nakilala ang suspek na si Ernesto Gadbilao, 52-anyos at nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay kaya nadakip ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 5.54 gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments