Notoryus na pusher, nasakote
@Balitang Probinsiya | February 07, 2022
CAPIZ–Isang notoryus na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Rosario, Pilar.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Michael Basinang, 37-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang barangay
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments