Notoryus na mandurukot nasakote
@Balitang Probinsiya | August 29, 2022
ALBAY—Isang notoryus na mandurukot ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sagpon, Daraga.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek nang mahuli sa aktong may dinudukot na gamit sa bag ng menor-de-edad na mag-aaral sa nasabing bayan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.
Ayon sa ulat, maraming kaso ng pandurukot sa lalawigan ang suspek.



Comments