Notoryus na kriminal nasakote
@Balitang Probinsiya | April 21, 2022
MASBATE – Isang wanted na notoryus na kriminal ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Bapor, Masbate City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Rolly Herminia, nakatira sa Bgy. Bolo sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong 3 counts ng kasong murder sa lalawigan.
Nabatid na nakita ng mga awtoridad ang suspek sa naturang barangay kaya agad itong dinakip.
Nakapiit na ngayon ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments