Notoryus na kidnaper, dedo sa shootout

@Balitang Probinsiya | December 11, 2020
ZAMBOANGA CITY—Isang notoryus na kidnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan kamakalawa sa Bgy. Mampang.
Ang suspek ay nakilalang si Samal Jamal, nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, aarestuhin sana ng mga operatiba si Jamal sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong kidnapping, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Kaagad gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.



Comments