Notoryus na kawatan, timbog
@Balitang Probinsiya | June 29, 2022
AKLAN—Arestado ang notoryus na magnanakaw kamakalawa sa Bgy. Alimbo Baybay, Nabas.
Nakilala ang suspek na si Ruel Taunan, 21-anyos, nakatira sa Bgy. Yapak, Malay sa nasabing lalawigan.
Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek matapos nitong pagnakawan ang gasolinahan sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, maraming kaso ng pagnanakaw sa lalawigan ang suspek.
Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya at nahaharap siya sa kasong qualified theft.



Comments