top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Notoryus na kawatan, arestado

  • BULGAR
  • Jun 18, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | June 18, 2022


LAGUNA–Inaresto ng pulisya ang notoryus na magnanakaw kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Wawa, Siniloan.


Nakilala ang suspek na si Jayson Kahulugan, 24-anyos, pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong qualified theft.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya agad rumesponde ang mga operatiba at inaresto ang magnanakaw sa nasabing barangay.


Nakapiit na ang suspek sa detention cell ng himpilan ng pulisya.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page