top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Notoryus na karnaper sugatan sa shootout

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 10, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 10, 2022


ILOILO—Isang notoryus na karnaper ang sugatan nang makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Acao, Cabuatan.


Nakilala ang suspek na nagtamo ng tama ng bala sa katawan na si Joan Lego, 41-anyos, nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Lego kaugnay sa mga kaso nitong carnapping, pero imbes na sumuko ay pinagbabaril nito ang mga awtoridad.


Dahil dito, gumanti ng putok ang pulisya kaya tinamaan ng bala ang suspek.


Kaagad dinala ng mga awtoridad ang sugatang si Lego sa ospital, at nabatid na nakumpiska sa pinangyarihan ng insidente ang shotgun, mga bala at granada.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page