Notoryus na karnaper, arestado
@Balitang Probinsiya | Enero 8, 2023
CEBU—Isang notoryus na karnaper ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Kamputhaw, Cebu City.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, inaresto ang suspek dahil sa reklamo ng kapitbahay nitong pinagnakawan niya ng motorsiklo.
Nabatid na kilala sa lungsod ang suspek bilang notoryus na karnaper ng mga motorsiklo.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek at sa ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments