Notoryus na holdaper, tiklo
BULGAR
Jun 17, 2022
1 min read
@Balitang Probinsiya | June 17, 2022
CAMARINES NORTE–Isang notoryus na holdaper ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Tugos, Paracale.
Hindi muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan ito.
Ayon sa ulat, madalas umanong magsagawa ng panghoholdap ang suspek sa nasabing bayan at ang huli nitong biktima ay tindero sa palengke.
Sa follow-up operation ng pulisya ay agad namang nadakip ang suspek at nakumpiskahan ito ng baril.



Comments