Niluluto iniwan, bahay nasunog
@Balitang Probinsiya | May 1, 2022
AKLAN – Isang bahay ang tinupok ng apoy dahil sa naiwang nilulutong pagkain sa kusina kamakalawa sa Dongon West, Numancia sa lalawigang ito.
Ang nasunog na bahay ay pag-aari ng mag-asawang Ronel at Michelle Cawaling, kapwa nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nakita umano ng mga residente na biglang sumiklab ang sunog sa bahay ng mag-asawang Cawaling at dahil gawa ito sa light materials ay mabilis itong tinupok ng apoy.
Wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na insidente.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na ang sanhi ng sunog ay ang naiwang nilulutong pagkain, na nang umapaw ang niluluto ay napunta ito sa kalan na naging dahilan kaya sumiklab ang apoy at nasunog ang nasabing bahay.



Comments