top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ngayong ika-30 anibersaryo… IMPLUWENSIYA NG PLANETANG JUPITER SA PAHAYAGANG BULGAR, MARARAMDAMAN NA!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2021
  • 3 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Pagbati ni Maestro Honorio Ong | December 02, 2021


Napakabilis ng panahon, 30 taon na ang pahagyang BULGAR, at ngayong ika-2 ng Disyembre 2021 ang ating napakasayang kaarawan. Kaya naman Happy 30th birthday sa ating lahat — sa mga kasamahan natin sa editorial, mambabasa nating walang-sawang tumatangkilik sa ating mga artikulo, at sa lahat ng bumubuo ng pahayagang BULGAR.


Kung ang BULGAR ay 30 taon na, ako naman ay 28 taon nang naglilingkod sa inyo sa pamamagitan ng mga isinusulat nating pag-aanalisa ng kapalaran. Tanda-tanda ko pa noong 1993 nang niyaya at kinumbinsi akong magsulat ni pareng Pabs (Pablo Hernandez) sa ating pahayagan na noong dekada ‘90 ay sobrang kalakasan ng mga print newspaper dahil hindi pa uso ang social media, kaya naman nang panahong ‘yun ay may BULGAR Tonight at BULGAR Araw pa ang ating publication.


Tama na sa pagbabalik-tanaw, bagkus, sa kaarawang ito ng ating pahayagan, ang maitatanong mo marahil ay ano ang magiging kapalaran ng BULGAR sa ika-30 taon nito?


Sa agham ng Numerology, ang numerong 30 ay may sumatotal na 3 dahil ang 30 ay 3+0=3. Ito rin ay isa sa mahiwaga at makapangyarihang numero dahil ito ay naglalarawan ng Tatlong Persona sa iisang Diyos. Ito rin ang simbolo ng matibay at matatag na dakilang pyramid sa Egypt na may tatlong gilid at sulok – na nananatiling buhay at matayog hanggang ngayon.


Dagdag pa rito, ang numerong 3 din ang ginagamit sa pagbuhat ng mabibigat na mga bagay.


Hindi mo ba napapansin, kapag magbubuhat ng napakabigat na bagay, ganito ang isisigaw ng mga tao bago buhatin “One, two, three!” – saka pa lang sila makakabuhat nang suwabeng-suwabe dahil sa taglay na puwersa ng numero 3.


Samantala, sa Astrology, ang 3 ay may ruling planet na Jupiter.


Sa moderno at tradisyunal na paniniwala, si Jupiter, na siya ring tagapagdala ng magagandang kapalaran sa sinumang indibidwal na madidikitan at maiimpluwenaiyahan nito. Sapagkat ang planetang Jupiter o ang diyos na si Jupiter ay siya ring si Zeus sa mitolohiyang Griyego, kung saan si Zeus ang “diyos ng mga diyos” na tinatawag ding “ama ng mga Diyos.”


Kaya sa ika-30 taong ito ng ating pahayagang BULGAR, asahan na ang impluwensiya ni Jupiter ay unti-unting mararamdaman. Magkakaroon ng malalaki, bigla at mabilisang pagbabago sa ating pahayagan, na ang magiging dulot nito ay pag-unlad, expansion at paglago.


Ayon sa aklat na “The Outer Planets and Their Cycles” na isinulat ng Astrologist na si Liz Greene, ang planetang Jupiter ay may kaakibat na tinatawag na principles of growth, expansion, healing, prosperity, good fortune, big business, miracles and wealth.


Kaya sa sandaling tuluyan nang nanaig at naghari sa pahayagang BULGAR, ang kapangyarihan ng plentang Jupiter sa taong papasok na 2022, tunay ngang ang kagalingan ng nakaraang pandemya na nagdulot ng paghihirap sa lahat ng sektor ng lipunan ay unti-unti nang malulunasan, hanggang sa tuluyang maghilom ang sugat na naranasan sa ating ekonomiya.


Kasabay ng paggaling, inaasahang tuluy-tuloy na rin sa paglago at pag-unlad ang ating pahayagan, ganundin sa iba’t ibang sektor ng lipunan na magdudulot sa lahat ng isang napakalaking pagyaman, pag-asenso at magagandang kapalaran.


Muli, sa ating mga mambabasa at sa lahat na patuloy na tumatangkilik ng ating pahayagang BULGAR sa print at sa social media, makamit nawa natin ang mga pagpapalang dulot ng planetang Jupiter sa araw na ito at sa susunod na taong 2022. Sa panahong ito na ang ating pahayagan ay nasa tatlong dekada nang tuloy-tuloy pa rin ang arangkada, kayang-kaya!


Maraming salamat at Happy Anniversary sa ating lahat!


 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page