top of page

NEOWISE, kahanga-hangang kometa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20, 2020
  • 1 min read

ni Lolet Abania | July 20, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Napakagandang comet NEOWISE na nakita sa Naguilian, Isabela kagabi na sadyang magdudulot ng kahanga-hangang pagtangi sa nilikha ng Maykapal.


Hindi madaling malaman ang pagdating ng comets kesa sa alamin ang paparating na weather. Matapos na magkaroon ng sunud-sunod na NEOWISE comets, walang malinaw na sagot kung kailan ito muling mangyayari.


"Discovered on March 27, 2020 by NASA’s Near-Earth Object Wide-field Infrared Survey Explorer (NEOWISE) mission, Comet NEOWISE is putting on a dazzling display for skywatchers before it disappears, not to be seen again for another 6,800 years,” ayon sa NASA.


Pagkatapos magpakita nito sa unang mga linggo ng July, lalabas na ito tuwing gabi na maaaring isa o dalawang oras after sunset.


Kayang ma-spot ng marami ang comet sa bahaging northwestern ng langit sa ibaba ng constellation Ursa Major (tinatawag ding Big Dipper) na mangyayari sa July 23, mas mataas nang kaunti sa langit kapag nagpakita.


Sa huling linggo ng July unti-unti nang maglalaho na ang Comet NEOWISE na gagalaw papalayo sa araw at mundo dahil babalik ito sa lugar na hindi kayang maabot ng solar system.


Pinakamalapit na makikita ang NEOWISE comet sa Earth ay mangyayari sa July 23.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page