top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Negosyante todas sa 1 armado

BULGAR
Aug 14, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 14, 2022


QUEZON—Isang negosyante ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Manggalang 1, Sariaya.


Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Caesar delos Reyes, 40-anyos, nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Delos Reyes ang kanyang motorsiklo at kaangkas ang kanyang kapatid at isang kaibigan, nang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.


Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page