top of page

Negosyante, tinodas ng mga armado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2024
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Ika-21 ng Pebrero, 2024


PAGADIAN CITY -- Isang negosyante ang namatay at isa pang lalaki ang sugatan nang pagbabarilin sila ng mga armadong salarin kamakalawa sa Brgy. San Jose sa lungsod na ito.


Ang nasawi ay si Abdul Sali, samantalang ang sugatan ay si Nuran Saruddin, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente ng Zamboanga City.


Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek hangga’t hindi sila nadadakip ng mga otoridad.


Ayon sa ulat, habang kausap ng dalawang biktima ang mga suspek ay biglang naglabas ng baril at niratrat ng mga salarin sina Sali at Saruddin.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga otoridad para madakip ang mga suspek.


 
 
 

留言


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page