top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Negosyante, tinodas ng gunman

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2021
1 min read

@Balitang Probinsiya | January 30, 2021



NUEVA ECIJA—Isang 44-anyos na negosyante ang napatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. San Carlos, Cabiao.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Erick Velasquez, nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat ng pulisya, habang nasa labas ng kanilang bahay si Velasquez ay nilapitan itong suspek at kinausap at pagkaraan ay pinagbabaril na ng salarin ang biktima.


Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang motibo ng suspek sa pagpatay kay Velasquez.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page