Negosyante, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | February 11, 2022
CAVITE–Isang negosyanteng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Molino 1, Bacoor City.
Ang suspek ay kinilalang si Eadric Canceran, 24-anyos at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation sa naturang barangay.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang kilong marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments